Ano ba’ng laban ng simpleng Pilipinong mangingisda sa China Coast Guard na nananakop at rumoronda sa West Philippine Sea? Natunghayan natin nitong nakaraang Enero ang tapang nila, at ang bentaheng dulot ng teknolohiya sa pagbibigay-ebidensiya sa mga pinagdaraanan nila sa kamay ng mga dayuhang nanghihimasok sa karagatan nating mga Pilipino.
Sa episode na ito, hihimayin ni Rappler editor-at-large Marites Vitug ang insidenteng nakunan ng cellphone video sa Scarborough Shoal (na tinatawag din na Bajo de Masinloc o Panatag Shoal) sa karagatan ng Zambales. Sinubukan ng ilang miyembro ng China Coast Guard na agawin ang nahuling lamang-dagat ng ilang Pilipinong mangingisda at itaboy sila, pero nanindigan ang mga kababayan natin. At dahil may video sila ng pangyayari, hindi maikakaila ng sinuman a…