[EDITORIAL] Filipino journalists to China: Yes, we are trouble

SUMMARY

Bago matapos ang Marso, pinabilib tayo ng Beijing sa pinakabago nitong kapal ng mukha at pagbabaliktad ng katotohanan. Ayon sa foreign ministry ng Tsina, ang mga mamamahayag daw na sumasama sa mga resupply mission sa Ayungin Shoal ay “troublemakers.”

Sabi pa ni foreign ministry spokesperson Hua Chunying, tuwing nag-de-deliver daw ng suplay ang Pilipinas sa grounded warship sa West Philippine Sea, “they had many journalists on board, and had them manipulate the videos they recorded to make sensational news and project the Philippines as a victim.”

Uulitin namin ang nasambit ng isang sundalong humaharap sa water cannon ng mga Tsino, “Tama na, Lord.” Isa itong panalangin na hindi lang bagay na bagay sa isang bansang katatapos lang mag-ayuno, bagay na bagay rin ito sa bansang lagi…

Source:https://www.rappler.com/voices/editorials/filipino-journalists-troublesome-west-philippine-sea/