SUMMARY
Tila naisahan ng mga Pinoy ang mga Tsino sa pakay nito na mag-deliver ng supplies sa mga tropa sa West Philippine Sea (WPS).
Matapos mag-anunsiyo ng Christmas convoy ng civil society “Atin Ito” na babalik na lang sila ng Palawan, nagpaabot ng balita ang organizers na dumaong na ang convoy sa Lawak island!
“Nakalusot!” ‘Yan ang sabi ni Akbayan Party chairman Rafaela David at nasa proseso na raw sila ng pagda-drop-off ng donations at supplies sa frontliners ng isla. Bumalik ng Palawan ang main ship ng convoy na MV Kapitan Felix Oca pero ang mas maliit na supply boat na tumahak ng ibang landas ay nakarating naman sa Lawak Island.
Ang Lawak island ay bahagi ng Kalayaan, Palawan, pero inaangkin din ito ng Tsina, Taiwan, at Vietnam. May dalawang istruktura dito na nagsisilbing she…